san na nga ba 'ko pupunta?
parang dumadaan ang mga araw ang ginagawa ko lng e matulog at tumunganga. may pinupuntahan akong trabaho pero parang wala ding impact sa buhay ko e. pupunta ko sa opisina, makikipag-usap sa kung cno2ng taong hindi ko kilala tungkol sa mga bagay na wala din naman akong alam at pakialam. nakikisalamuha ako sa mga taong hindi ko cgurado kung naiintindihan ako (pero sabagay hindi ko din cgurado kung naiintindihan ko cla) at ewan ko lang kung naaappreciate ang presensya ko sa buhay nila. pakiramdam ko palutang-lutang lng ako sa kawalan.san na nga ba ko pupunta? ano na nga bang gusto kong gawin? pilit ako ng pilit sa mga tao na tanggapin nila ko bilang "ako." pero wala nman akong ideya kung cno tlg ung taong un. may mga pangarap akong na-carryover lang mula pagkabata, pero hindi ko alam kung alin sa mga bagay na yun ang gusto ko pa ring abutin. lagi kong sinasabi na hindi ko naeexhaust ang full capabilities ko, pero ano nga ba ang kaya kong gawin? paulit-ulit na kong nagsusulat ng ganitong tema pero ano ba talaga ang ginagawa ko para makaalis ako sa ganitong sitwasyon, para mawala yung ganitong pakiramdam?
wala.